Second Year Christmas Party

Christmas party na naman. 2 years na kami nagpa-party. Exchange gift lang naman ang inaabangan ko, bukod sa get together (o lakwatsa time) naming mga magkakaibigan.

Ala-una na wala pa ang pagkain namin na in-order pa namin sa KFC. Nauna pa ang videoke na nirenta ni Sir para sa amin(o para sa kanila). 1:30PM na at dumating na sa wakas ang pagkain namin. Gutom na gutom na kami. Daig pa namin ang mga tao sa iskwater, nag-uunahan sa pagkain, para bang mauubusan ng food.

Bigayan na ng exchange gift. Langya aman o, ung nakabunot sa name ko, absent! Mukha akong tanga tuloy, ako kasi nagbigay ng gift, ako pa ang wala! Hay, life nga naman. Buti nalang, may isa akong kaklase na may “excess gift.” Panu kasi yung pangalan na nabunot niya ay may gift na, meaning dalawa ang nakabunot ng name niya. Binigay niya ang gift na yun sa akin. Wow, “bear cuddler” ang paper bag, ang nasa loob kaya bear cuddler rin? Nung binuksan ko ang paper bag, wow, ang cute! Isang Christmas white na teddy bear! So kawaii! Panalo talaga! Grabe, natuwa ako ng sobra!

Nagpunta ang bestfriend ng Sir namin. Walang kumakanta sa videoke nang mga oras na iyon. Kinuha ni Sir N(bff ni sir) ang mic ng videoke at kumanta ng My Way! Kaya lang naman nagpunta si Sir N ay para sulitin ang videoke na nirenta ni sir para sa aming party.

Yung mga friends ko sa section 1 ay naligaw sa section namin(2) para sa annual pictorial ng NGT(o Next Generation Troupe, group of friends namin, gawa-gawa). Nang matapos ang pictorial, ito lang ang masakit, bayaran time! Yayaman na naman si Mang Nilo(may-ari ng photocenter sa tapat ng school), marami kasi kami! Sa January pa namin nakuha ang photos, mahal kasi pag rushed.

Advertisements

One thought on “Second Year Christmas Party

  1. Cye ur ryt. . .stn nga b ung videoke n un? . .hehehe bsta wla tatalo s “MY WAY” at xempwe ang wlng ktpusng “CHUCKIE”. . .
    “Pki abot mo nga sa Sir mo”. . .(cnu b my sbi nito skn. . ?hehehe) ska q n kwento ung story d2. . Hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s