Bike at Bukid (2nd Yr Christmas Party pt. 2)

Nagco-concert pa si Sir N, Sir S (adviser namin), at mga kaklase naming mga lalaki, nang umalis kami papunta kina Karen. Yung mga friends namin na tiga section 1 ay di sumama sa “hacienda ni Don Karen.” So 6 kaming sumama. First time kong makapunta sa bukid, excited ako.

Ang bahay ni Karen ay malaki… malaki ang space, kasi walang masyadong gamit. Ayon kay Karen, nawawarak niya daw ang mga gamit sa bahay kaya parang wala na itong laman halos.

Ito-tour daw kami ni Don Karen sa kanilang bukid. Dinala ni Karen ang kanyang bike. Si Kate ay hindi marunong mag-bike, so tinuruan namin siya. Nasa kanya lang ang bike, daig pa ang batang may bagong toy na binili ni Daddy Banitz sa Toy Kingdom. First time kasi. Naglalakad lang kami, parang nag-aalay lakad kami sa sobrang haba at sa sobrang tagal.

Habang nagba-bike si Kate na ayaw magpahiram ng bike, sinabi nina Trixy at KP,”baka mahulog ka sa patubig.” Si Kate naman, ayaw patinag, diretso pa rin sa pagba-bike kahit gegewang-gewang na siya. Tapos yun na nga, nagulat kami sa aming nasaksihan, dumeretso ang bike sa patubig kasama si Kate, siyempre. Kalahati ng katawan niya e soaked sa patubig, kasama ang inosenteng bike. Bago pa naman ang rubber shoes niya, nabinyagan ng di oras. Tsk. Tsk. Tinulungan namin siya syempre na makaahon sa patubig, pati ang bike. Tawa kami ng tawa sa hitsura niya. Parang manananggal na nakakabit pa ang kalahati ng katawan. Mukhang natutunan na ni Kate ang lesson niya ngayon.

Nagpatuloy kami sa pag-aalay lakad, siguro mga 45 minutes kami naglalakad. Ayon kay Don Karen, malapit na daw kami. May tatahakin pa pala kaming “obstacle course.” Sa pilapil (yun yung napakakipot na daan sa mga bukid, kasya siguro ang dalawang paa ng tao), dapat talunin namin yun, kasi naputol ang daan, or else, mahuhulog ka sa patubig. Turn ko na para tumalon, naiisip ko na athlete ako para sa long jump. Tumutugtog ang theme song ng Voltes V. Tumalon na ako, ba’t ganun? Bitin! Na-stuck tuloy ang slipper ko sa mud! Hindi ko talaga matanggal! Tawa naman sila ng tawa. Mga kaibigan ba sila? Siyempre, habang humahalakhak sila, tinulungan nila ako. Natalo ako sa long jump. May isa pang long jump, nauna sa akin si Kate na tumalon, gegewang-gewang pa nga siya e. Ito na, tatalon na naman ako sa long jump at tumutugtog na naman ang theme song ng Voltes V sa isip ko. Tatalon na talaga ako, at inaabangan nila ako, para ba akong isang big star kung abangan. Nakaabot naman ako sa dulo ng pilapil, kaso, gegewang-gewang din ako, nawawalan kasi ako ng balance. So humawak na lang ako kay Kate para di ako malaglag. Kaso, natumba kami pareho… pareho rin kaming naka-“strike 2.”

Sa wakas, mukhang nasa ‘hacienda’ na kami ni Don Karen. Yun ang akala namin. Wala pa pala kami sa bukid nila! Mukhang napagod ang don!

Pabalik na kami sa bahay nilang malaki ang space. Dadaan na naman kami sa obstacle course na yun. Hindi na kami natumba ni Kate sa pilapil, natuto na kami.

Nag-bike pa rin si Kate papunta kina Karen, akala ko natutunan na ang lesson. Pagdating sa bahay ni Karen, nakigamit ng CR si Kate para linisin ang kanyang katawan. Sinuot niya pa rin ang kanyang nabinyagan na rubber shoes. Nagba-bye na kami kay Don Karen. At umuwi na sa kani-kanyang bahay.

Pag-uwi ko sa bahay, dumeretso agad ako sa CR at nagbihis. Baka kasi mahalata ako ng mama ko na naputikan ko ang kanyang slipper.

Morals of the story: huwag magba-bike sa bukid lalo na kung malapit sa patubig. At huwag magsuot ng rubber shoes pag pupunta sa bukid.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s