Fire Alarm

Grade six ako noon. At may project kami na palayok out of clay, yung pinaglalaruan natin nung kindergarten years. Pumunta ako sa school bandang hapon para makipagkita sa mga classmates ko, hindi dahil sa gagawa kami ng palayok kundi para magpunta sa Market! Market!, ang bagong tayong mall sa Taguig. Anim yata kami at may kasama kami na hindi dapat kasama dahil troublesome siya. Albeit we knew that there were troubles ahead if we let him come with us, sinama pa rin namin, nakakaawa (?) kasi. Ako naman, on the other hand, walang dalang pera ni singkong butas wala at wala akong balak sumama. Since mapera ang isa sa mga classmates ko, nilibre niya ako… pamasahe nga lang.

Nandun na kami sa M!M!, bili sila ng snacks ako hindi. Tapos punta ng lobby para kainin na yung binili nila, ako hindi. Para tuloy akong dakilang out-of-place na julalay.

Pumunta kami sa 5th floor (for as long as I can recall) kung saan pinapalabas pa ang Harry Potter para mag-wiwi. Sinamahan ko ang isa sa mga comrades ko sa CR habang ang iba naman ay naghihintay sa labas. Habang nasa CR kaming dalawa, may narinig kaming continuous na tunog ng fire alarm. Nang nakalabas na kami, yung iba naming kasama e tumatawa. Kasi daw ine-escort ng guard yung troublesome naming classmate. Dinala siya sa basement kung nasaan ang office ng mall. Huli na nang malaman namin na siya pala ang pumindot sa fire alarm, kaya sinundan namin siya sa basement.

Nang hindi kami makapaniwala na ganun siya ka-idiot, pinakita sa amin ng General Manager ng mall ang CCTV video ng ginawa niyang kabulastugan. He (?) kept insisting that he (?) didn’t know it was a fire alarm. It was obvious that it’s a fire alarm, what an idiot! Buti nalang at hindi pinansin ng mga nanonood ng sine at mga namamasyal sa mall ang alarm. Kung nangyari yun, mas lalong malaking gulo yun! Kung anu-ano na ang ginawa namin para ‘tubusin’ si troublesome classmate. Pero pinaglalaruan yata kami ni Gen. Mgr. and company! I remembered, kailangan ko sunduin ang kapatid ko sa school pag 5:00 pm, e mga 6:30 pm na, nandun pa kami. At last, nagsawa na si General Manager sa amin at pinauwi na kami.

Pag-uwi ko, kung anu-anong excuses ang ginawa ko.

Moral of the story: Don’t touch things that shouldn’t be touched.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s