Second Year, First Day

Excited akong pumasok ng school. As usual, hahanapin ko pa lung saang section ako kabilang. Inaasahan ko na kabilang ako sa II-Molave (section 2), hindi sa II-Talisay (section 3) at lalong hindi sa II-Kamagong (section 1). Hinanap ko agad ang pangalan ko sa listahan ng kabilang sa Molave, ba’t ganun? Wala ang pangalan ko dun!!! Imposible na nasa Kamagong ako kasama! Tas yun pala sa Talisay naligaw ang pangalan ko! Sa Molave, andoon sina Kate at KP!!! So pumasok ako sa Rm. 203, ang room ng Talisay. Tulala ako kasi, parang noong first day noong first year, puro alen na naman ang nakikita ko o ako yung alien.
May in-announce ang teacher/adviser ng Talisay, lahat daw ng nabanggit ang pangalan e sa Molave daw. Binanggit na isa-isa ang mga pangalan. Aba! Parang wala pangalan ko dun! Pero, binanggit ng teacher ang pangalan ko!!! Hindi ako sigurado kung totoo yun o nagha-hallucinate lang ako nuun. Ayoko mapahiya, ngunit pumunta pa rin ako ng Rm. 110, room ng Molave, para sure.
So tama pala ang narinig ko, oo, sa Molave ako!!! Woohoo! Wala akong maupuan, kasi marami kaming na-transfer so agawan ng available chairs. Nakita ko sina Kate at Kp sa unahan, dun sana ako uupo kasi me nag-iisang available chair doon. Since unahan, naunahan ako ng galing sa I-Red (section 1) na kasama kong na-transfer sa Molave galing ng Talisay na si Trixy. So dun tuloy ako sa likod. May nakatabi ako, tahimik. Galing siya ng I-Red na na-transfer rin sa Molave galing ng Talisay, si Sharmaine. Siya yung babae na nakatabi ko nung Orientation Day nung freshmen pa kami. Bongga pala siya. Valedictorian at with photographic memory. Kung gaano niya kabilis makabisado ang dapat kabisaduhin ay siyang bilis niya rin makalimutan. Let’s say nakabisado na niya ang definition ng blah blah kasi me test bukas, mga ilang linggo bago niya makalimutan ng tuluyan ang definition nun. Naging instant friends kami. Nung pinakilala ko siya kina KP, instant friends rin sila. Pinakilala rin nila sa amin si trixy, instant friends rin kami lahat. Pero parang di nagpapansinan sina Trixy at Sharmaine!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s