(Kate) First Year

Una kong nakilala si Kate sa GJC. I-Orange kami nun. Nabanggit ko yun sa “First Days of Being a GJCian.” Pagkatapos ng pang-iistorbo ng maliit na tao na katabi ko dati na kasalukuang nobyo ng kaibigan kong si Mengmeng, naging instant friends kami. Masaya kasi hindi na ako alone. May companion na rin ako. Woo! Pero nung recess na, sabi niya, sa library daw siya together with her elementary friends. Eh ako? Me elementary friends o classmates man lang ditto? WALA. Gaya ng sabi ko, sa Pateros ako galling pero sa Nueva Ecija ako nag-aral ng high school. Imposible kaya na me ex-schoolmate ako dun, pero aaminin ko, nagbabakasakali ako na meron nga. Pero, wala talaga e. Kaya yun, I was alone.
Magkatabi kami sa upuan maghapon. Simula first period sa umaga hanggang last period sa hapon. Pero, time ng Araling Panlipunan, pinaglayo kami! Pinalit ng teacher ko ang upuanni Kate at ni Nathaniel! Maingay daw kasi si Nathaniel kaya itinabi sa akin. Hindi kasi halatain na maingay ako. Kaya ganito ang ayos: sa kaliwa si Nathaniel, sa kanan si Jeeko (siya yung maliit na tao na katabi ko dati na kasalukuang nobyo ng kaibigan kong si Mengmeng), sa harap si Dennis, at sa likod ko ang pader. Sa tingin niyo ba, makakadldalan ko ang mga lalaking yun? Nakaka-OP!!! Panu ba naman kasi, pag dadaldal si Jeeko ke Nathaniel, sa harap ko pa! Nang-aasar ba sila? Alam mo yung feeling ng ganun? Di man lang nila ako daldalin! Pero sabagay, hindi ko pa kasi nilalantad kung gaano ako kadaldal. Si Kate pa lang ang nakakaalam.
Alam mo ba, ako ang lagging nag-aayos ng mga gamit sa bag ni Kate? Me pagka-OC kasi ako. And alam mo ba, we used to splash her Johnson’s Baby Cologne (Slide) at our backs? Oo, naliligo kami ng pabango dati. Malamig nga e. Haha!
Nung first year ako, bago-bago pa ako, wala akong kinakausap, mailap sa tao at tinago ang pagkatao. Wala akong tiwala sa tao. Tahimik. At akala ko e hindi na ako muli magkakaroon ng kaibigan kasi nung elementary ako, binu-bully ako and I felt I was used and betrayed by my so-called friends. Akala ko lang yun. Tinuruan ako ni Kate na magtiwala sa tao. Kaya yan, nagpapakita na ako ng kautuan ko, unti-unti.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s