(KP) First Year

Si KP o Kenneth Paul yung binabae na pinagpalit ng upuan ni ma’am kay Kate nung first day. Nung first year, ayaw niya pa ilantad kung ano talaga siya. Alam mo na iyon! Hehe! Madyo, nag-aalangan pa siya. Sa nakikita ko, lagi siyang inaakbayan ng mga classmates kong straight male. Natatawa ako dun. Pero yung mga classmates kong yun, nirerespeto siya. Hindi siya inaasar na, “Bakla!” o “Bading!” o “Badinger Z!” Ako rin, hindi ko ugali ang magtanong kung ano ba talaga siya. Nakikiramdam lang, para no offense. After all, action speaks louder than words.
Since katabi niya si Tonee, lagi silang nagdadaldalan. Ganito kasi ang ayos ng upuan naming, from left to right: Kate, ako, Jeeko, KP, Tonee. Naging close sila ni Tonee. Tassumingit si Corina. Tas nag-away sina Corina at Tonee. Pinagbabati sila ni KP. Dalawang buwan niya ginagawa iyon, nagsawa na siya at nainis sa kanilang dalawa. Hindi pa rin natauhan ang dalawa at hindi na sila nagbati.
Third quarter noon, binansagan kaming “Spaghetti Group,” medyo masarap pa kasi ang spaghetti sa canteen nun. Kumakain kami ng spaghetti at nakahilera sa laboratory table, parang me birthday. May sinasabing interesado si Leslee. Hindi ko iyon marinig. So lumapit ako. Hindi ko namalayan, naingudngod ko na ang kanyang pagmumukha sa spaghetti na kanyang kinakain ng mga oras na iyon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s