(Kate) Second Year

Isang malaking disappointment ang sumalubong sa akin! Talisay daw ako!!! Ibig sabihin lang nun, hindi daw ako magiging classmate nina Kate at KP! Paano na yan, aliens again?
And in-announce nga ng adviser ng Talisay (section 3) ang mga mapupunta sa Molave (section 2), section nina Kate at kabilang na ako dun! Woohoo!
Nang lumipat na ako dun, unahan sa upuan. Uupo na ako sa tabi nina Kate nang maunahan ako ng nilalang na si Trixy. Kaya dun na lang ako salikod, katabi si Sophie.
May play sa English, “The Exchange” ang pamagat. Magka-group kami ni Kate. Ang gagawin niya, narrator. Maganda kasi ang boses niya, pang newscaster. Ako? Isang simpleng props girl. Pero pabor sa akin ang pagiging dakilang props girl, ala kasing kakabisaduhin. Maganda naman ang play kasi magaling ang cast and crew.
Naulit uli ang play, but ths time mas malaking production staff kasi iba na ang play naming nun. Isa siyang musical (o ginawa naming musical). Ang pamagat ay “New Yorker in Tondo.” Gaya ng sabi ni Kate sa akin,”Hindi ka lagging extra, minsan kailangan mo rin maging bida.” Nasabi niya yun kasi sabi ko sa kanya masaya maging extra. Pero siya ang nagging isa sa mga bida ng play, gumanap siya bilang Nena. As usual, props girl ako, pro na-promote, ako na ang props manager! Kung saaan-saan kami napadpad na bahay at lugar, kina Tintin (San Isidro), Aldrine (babae siya! Nakatira siya sa Jaen), at kung saan-saan pa. Lagi ko siyang tinutulungan ng practice ng lines niya. Naaalala ko pa nga yung ibang lines niya gaya ng, “Honest? You call yourself honest? Getting me to fall in love with you when you still belong to Kikay?” at “Shameless hussy!” Ang resulta ng play? Just click here.
Habang nagmumuni-muni ako, biglang nakita ko si Kate, umiiyak! Sabi niya e kasi daw, inaway siya ni Karen. Tinanong ko kung bakit sila nag-away. Hindi niya daw alam, pero bigla na lang siya hindi pinansin. Ba’t ganun? Wala akong magawa kundi i-pat siya and sabihin lagi na, “It’s gonna be alright. Sira talaga ang ulo nun.” Hindi ba pathetic? Ni hindi ko nga alam kung nawala ang pag-iyak niya e. Matapos ng isang taon (Oo, third year na kami nun), nagkabati na rin sila. Sa tingin ko, si Karen ang me problema, siya kasi ang walang dahilan, sa tingin ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s