Talisay? Maybe not? (2nd Year First Day)

First day na naman. Hindi na kami freshmen, sophomores na kami (syempre, ano ba ang kasunod ng freshman?). Kasama ko si KP, as usual, late ang bruha at hindi pa naka-ready kaya nag-intay na naman ako sa bahay ng bruha. Naka-civilian lang kami since titingnan lang namin ang sections namin.
Sa SM Hall (hindi Shoe Mart iyan. It stands for Soledad Medina Hall. Siya ang isa sa founders ng GJC) kami nagpunta since nandun naka-post ang sections namin. Sa di malamang dahilan, iyong last section ang tiningnan namin. Buti naman wala ang maganda naming pangalan (echos lang) doon. Tas, tiningnan naman ang sa II-Kamagong (first section iyon). As expected, nandoon ang pangalan ni Mika, Leslee at Dana.
Tiningnan naming ang sa II-Molave (section 2), browse ng names. Ui, nandoon ang nemus ni KP! Nandoon rin iyong kay Kate at Camille! Wait a minute, kapeng manit, malaking puwit! Bakit nakalimutang i-type ang pangalan ko? Alphabetical iyon so dapat preceeding ang nemus ko kay Kate! Baka naman, nasa bandang dulo iyong pangalan ko?? *browses her name* Oh no! Wala ang name ko!!! May nakalagay na footnote sa baba: TENTATIVE SECTIONING. Ibig sabihin may pag-asa pa ako!!!!
Tiningnan naming ang sa II-Talisay (section 3 iyon). Oh man! Nandun ang name ko! Shemay naman o! Para naman may kakilala ako!
Pumunta na ako sa Rm. 203, ang room ng Talisay. Hindi ko kaklase si Kate! T.T Ganito ang na-feel ko noong first day noong first year ako. Alien na naman ako. Walang kakilala. Despair was written all over my face. Gaya ng sabi nila, “Habang may buhay may pag-asa.” May in-announce si Mrs. Tobias, ang homeroom teacher ng Talisay. Lahat daw na nabanggit na name ay isa ng Molave. Isa-isa ng tinawag ang pangalan…
Nawawalan na ako ng pag-asa kasi naman e! Andami ng tinawag ala pa iyong pangalan ko! Hanggang sa binanggit ang pangalan ko. Pakiulit nga? Sigurado ka ba? Talaga? O may kapangalan lang ako? Hindi, unique ang pangalan ko. Although hindi sigurado, sumama pa rin ako sa bagong batch ng Molave. Yay!
Si Sir Samonte ang homeroom teacher ng Molave. Iyong mga new Molaver, sa isang tabi muna. Ni-verify ni Sir Samonte ang mga bagong salta kug Molave nga ba sila o mga umeechos lang at feel ang pagiging Molave. (Teka, am I talking about myself?) Naku po! Ito na ang kinatatakutan ko e, baka wala nga ako sa listahan ng bagong Molave at destined ako to be Talisay. Hanggang sa binanggit ang pangalan ko! Yay! Molaver na nga ako!!!
May problema nga lang, walang masyadong available seats para sa new Molavers. Nakita ko sa unahan sina Camille, KP at Kate. Tinawag nila ako since may isa pang available na seat doon. Aren’t they sweet? Labs nga nila ako. Wee! Uupo na ako doon sa seat na iyon nang may umupo doon sa upuan na iyon! Teka, hindi ko siya kilala? Lola na ata siya. Pareho siguro kaming new Molavers.
Dahil naunahan niya ako sa upuan na iyon, doon na lang tuloy ako sa dulo. Nakatabi ko si Sharmaine, she seemed familiar. Tama! Nakatabi ko siya noong orientation! Ang tahimik niya… Hehe. Pero dahil nature ko na ang pagiging madaldal, dinaldal ko siya at naging instant friends kami! Katabi naman namin si Bok (Sharmaine rin ang pangalan niya, apilyedo: David, pero hindi siya iyong nakatabi ko noong orientation noong first year kami) at si Tonee. Ang ingay nila, tawa sila ng tawa sa jokes ni Bok. May naikwento si Sophie (si Sharmaine na kakilala ko sa orientation. Sophie ang binigay kong nickname kasi mahilig siya sa Asianovela na Green Forest), BFF sila ni Trixy… DATI. Si Trixy nga pala iyong babaeng inunahan ako sa upuan na ni-reserve sa akin nina KP. Pero war sila. Sad naman, bakit nga ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s