Chain Letters

Noong elementary ako, napansin ko ang mga classmates ko from Pateros Elementary School na busy sila sa pagkopya at magpa-photocopy ng 12 copies or so na ewan.
Binigyan ako ng classmate ko ng isang copy. Binasa ko. Sabi sa letter, “Nanalo sa lotto si Mr. Chavez ng million nang ipamigay niya ang 12 copies ng letter na ito. Namatay sa aksidente si Mr. Pangilinan nang hindi niya paniwalaan ang kapangyarihan ng sulat na ito at itinapon. Ang kung sinuman ang magtigil sa pagkalat ng sulat na ito ay magagaya kay Mr. Panigilinan.” (Revised ito, base lang ito sa pagkakakaalala ko… maraming taon na rin ang lumipas eh) Dahil walang kwenta talaga ang letter na iyon, ibinalik ko iyon sa classmate ko pero sabi niya, “Tanga! Totoo iyan! Nahawakan mo na iyan, sa iyo na iyan. Kailangan mong magpa-xerox ng 12 sopies, basta sundin mo ang sabi ng chain letter na iyan.” Sa hindi malamang dahilan, napaniwala ako ng classmate ko… Gusto ko kasing manalo sa lotto ng millions.. iyong solo ko lang! Trip ko iyon! Pero dahil likas akong kuripot at tamad, hindi ko sinunod iyon at itinapon na lang ang kinalimutan. Nalaman ko na lang na hindi pa pala ako pwedeng tumaya sa lotto kasi daw underage daw ako.
Noong first year ako, uso ang mga chain texts… kumbaga eh nag-level up na (Greenwich, anyone?) . Lagi akong sine-sendan ng mga kaibigan ko (sila lang naman ang laman ng contacts ko). At dahil paniwalang-paniwala ako at ayaw ko ring mamatay, lagi akong naglo-load para lang ipasa sa iba.
Nagpatuloy iyon hanggang sa maging sophomore ako.
Noong junior ako, naumpog na ako sa pader (not literally, masakit un). Tinadtaaad nila ako ng chain texts at puro iyon ang makikita niyo sa inbox ko and it annoyed the hell out of me!
Noong senior (not citizen, bata pa po ako) ako, puro chain texts pa rin ang nare-receive ko. Naaalala ko pa ung chain text na na-receive ko kina Trixie, Kat, Corina, Kenneth, etc. “Ako si Rubi (hindi ko na tanda ang pangalan niya eh, kaya Rubi na lang) pula ang mata dahil sa dugo at patay na. Ipasa sa 20 katao para hindi kita dalawin mamayang alas dos.” Sino’ng niloko nila? Haha! Adik ba? Deds na pero nakapag-text pa! Adik ang kung sinumang Poncio Pilato ang gumawa noon. Full moon siguro. Ang ginawa ko? Binura ko na lang.
Dahil sa chain letters na iyan, namatay ako, nanay, tatay, kapatid, kaibigan, kapitbahay, kaklase, guro, lolo, lola, tito, tita, pinsan, kaaway, daga, aso, pusa, ibon, isda, at kuko sa paa for the Nth time. Sa makatuwid, IMMORTAL ba kami? That’s how lame chain letters are.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s