for as long as I can remember pt 1

Ayan ang random things na masarap balikan noong mga nakaraang taon. Minsan not worth remembering, pero sa di malamang dahilan, tinatawanan ko na lang ang karamihan diyan at sinasabihan ko ang sarili ko na, “Hayan, antanga-tanga mo kasi! Buti nga!”
I-enjoy mo na lang ang sarili mo haha!

-Noong bata ako, inaaway ko ang tita ko na isang taon lang ang tanda sa akin.

-Noong kinder ako, lagi akong tumatayo sa table at sisigaw ng “DUGO!!!”

-The first time I lied was when I was in grade one. Come to think of it, Catholic school iyon. Noong introduction, sinabi kong 6 years old ako pero 5 years old pa lang talaga ako. Puro 6 or 7 years old na sila eh.

-Ginawa kong chalkboard ang dingding ng kapitbahay namin.

-Tumalon ako sa ibabaw ng truck ng Pepsi sa Golden Subdivision sa Biñan, Laguna noong bata pa ako. Naglalaro kasi kami ng beinte-uno. Nakita ako ng taya sa ibabaw ng trak kaya inakyat ako. Ayaw kong magpahuli kaya tumalon ako at tinakbuhan ang taya.

-Noong grade one ako, umuwi ako mag-isa (pero may service ako) sa Ragas (sa bahay ng tita ko) instead of sa Sta. Ana. Gusto ko kasi maglaro ng Play Station ng mga pinsan ko.

-Noong grade two ako, natuto akong mag-multiply gamit ang mga darili sa kamay. Iyon ang daya ko kapag nagpa-participate sa harapan ng klase ng multiplication table.

-Noong grade two ako, nagsagot kamo ng math window cards (not sure sa tawag pero iyon iyong sinasagutan ng elem pupils na 100 items, iyong may butas butas na parang sa bingo. Simpleng arithmetic lang naman). Nakakuha ako ng below 20 samantalang iyong mga kaklase ko e puro 80 pataas ang nakuha. Dahil halos lahat sila e 80 pataas at ayaw kong maging sentro ng atraksyon at nagnanais ng umuwi, nakitaas na rin ako sa kanila nang tanungin ng teacher kung sinu-sino ang nakakuha ng 8 pataas. What a liar.

-Noong grade three ako, nahulog ako sa bowl at napilas ang left ankle ko. Kita ang buto, tinahi iyon sa OsMak. Isang linggo ako baldado sa sala.

-Noong grade four ako, nagiliran ako ng trike. Aray!

-Noong bata ako, natuto akong mag-bike sa Biñan, Laguna. Thanks to my cousin.

-Sa Cabuyao naman ako naaksidente dahil sa bike. Sumemplak ako sa kalsada dahil sa bato. Buti na lang at subdivision iyon. Pinsan ko ang gumamot ng long gash ko secretly. Long gash pa, peste! >_<

-Sa Nagcarlan, nag-barge in ako sa bahay ng may bahay. Sabi kasi ng Papa ko pumasok ako, nagpauto naman ako. Nagulat pa nga ang mga nakatira doon. Buti na lang magkakilala sila ni Papa. Ni hindi ko nga maalala sila e.

-Sa Nagcarlan uli, lagi akong nagpupuntang simbahan. Iniikot ko kasi ang church doon. Papasama ako sa Papa ko o sa Tita Grace ko. Love ko ang church doon. (Trivium: Doon nag-taping ang Kampanerang Kuba)

May continuation pa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s