for as long as I can remember pt 2

Continuation…

-Noong grade four ako, nalaman ko ang meaning ng favoritism dahil sa teacher ko at sa judingger z na kaklase. Magsama sila!

-Noong grade five ako, “Golden Year” ko iyon. Na-top ako sa wakas.

-Noong grade six ako, nainis ako sa classmates ko, kinokpyahan ako pro hindi ako makakopya. Peste!

-Noong grade six ako, trip naming takasan ang Filipino teacher namin. Magsi-CR kunwari pero hindi na ako babalik hanggang sa matapos ang period.

-Noong grade six ako, trip naming asarin ang Filipino teacher namin. Kaya ginantihan kami sa grades.

-Noong grad practice noong elem, nag-CR lang kaming magkakaklase (pero bawal daw umalis sa kinauupuan kahit nawiwiwi ka na) tas nahuli kami ng adviser namin na siyang nag-aayos ng grad. Alas siyete kami pinauwi.

-Noong grade three ako, binebentahan ako ng kaklase ko ng Hershey’s drink niya for PhP10.00 samantalang mga 20 Pesos mahigit iyon. Dahil magaling ako mag-sales talk, nabibili ko ang Hershey’s niya minsan may bonus pang cake. Araw-araw iyon. Kaya hindi na ako nagpapabili kay Mama ng Zest-o o Chocolait o Moo.

-Noong first year ako, nagtanong ang history teacher ko (kung tanong ngang matatawag ito), “Magbigay kayo ng sea creatures.” Nagtaas ako ng kamay at tinawag ako.
Me: Butanding!
Teacher: Ano ang butanding?
Me: Whale shark
Teacher: Ano ang whale shark?
Me: Butanding! (Tawanan ang classmates ko at umupo ako. I was clueless why.)
Seatmate: Hahahaha! Nice one! Astig!
Teacher: Bigyan niyo nga ng piso si Cyrille! Maghanap siya ng kausap niya.

-Noong grade five ako, ginawang basurahan ng bullies ng section namon ang bag ko. Sinumbong ko sila sa Papa ko. Pinagalitan sila ng Papa ko. Secretly, natatawa ako. Buti ng! Sadist yata ako. Haha!

-Noong high schoool ako, lagi akong nasa library para makipagdaldalan to save up money. Natutukso kasi ako pag kumakain ang mga tao sa paligid ko at kailangan kong mag-save up ng pera.

-Noong second year ako, papuntang library kami ni Karlo, nadapa ako. Nang nasama namin si Czacza, ni-demonstrate pa ito ni Karlo but this time, nadapa siya sa hagdan, for real.

-Noong high school ako, Kate and I made an oath. Walang magbo-boyfriend sa amin. Sa college na lang. As if merong manliligaw sa akin!

-Noong fourth year ako, tuwing uwian, may “dance step” akong pine-perform kay Apong Tweezy. Lagi niya akong kino-comment-an ng, “Parang awa mo na.”

-Noong fourth year ako (actually bakasyon bago ako mag-fourth year, May), nagkasipon at ubo ako for one whole school year! Tumutulo ang sipon ko twing tests. Kadiring nakakahiyang nakakainis!

-Noong fourth year ako, since sanggang dikit kami ni Karlo, lagi kaming nagpupustahan. Ang talo, ililibre ng limang pisong shake sa canteen. Pataasan ng score sa math. Minsan tie, minsan talo, minsan panalo. Pero tinigil namin ito ng mga bandang third quarter.

-Noong bata ako, pag nagja-Jollibee/McDo kami, lagi kong niyayakap so Jollibee/McDo.

-Noong bata ako, pagnagmo-mall kami, lagi akong nawawala. Kaya, bumili noon si Papa ng tali ng aso. Kinabit niya sa relo ko iyon para raw hindi na ako mawala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s