for as long as I can remember pt 3

Continuation…

-Noong fourth year ako, natigil ang klase namin sa MAPEH sa gym. May dumating raw na “artista.” First time siguro iyon nangyari sa GJC. Si Greggy (actually I don’t really know him), sa channel 7 raw pero hindi nanalo sa sinalihang contest. Nagpuntahan ang lahat ng estudyante sa quadrangle (kasi nandun ung Greggy) samantalang ako at si Gareh ay nagpapalamig sa gym sa tapat ng industrial fans, solong-solo namin. Salamat sa Greggy at nalamigan ako. Wa pakels ako sa kanya. Call me heartless if you want. Haha!

-Noong grade six ako, nakipag-debate ako kay Jamie. Pinagtatalunan namin ang Tagalong ng “sibling.” Sabi ko kapatid, sabi niya anak.

-Noong grade five ako, naging Kiddie Crew ako ng McDo for a week. Palpak ako sa paglagay ng ice cream sa Float kaya pinagalitan ako ng manager. Gusto kong bilhin ang palpak na float kasi marami ang nailagay ko. Pero hindi ko nabili, kulang ng pera ko. Pwede kaya iyon ilagay sa work experience ko pag nag-apply ako ng trabaho? Hmmm…

-Noong grade three ako, nakulong ako sa banyo ng mag-isa!!! Kakatakot pa naman ang mga banyo sa public schools kasi ang laging kwento ng mga mag-aaral doon, “Sementeryo dati ang school.” Tas hihirit pa na, “May namatay sa banyo.” Walang ilaw pa roon sa banyo. Hindi ko kilala ang gumawa ng stupid prank na iyon (pero muntik na akong maiyak noon. Crybaby ako noong elem days ko, ako ang fave nilang pagtripan) pero pag nalaman ko kung sinong jerk ang gumawa noon (hanggang ngayon), ipapa-demolish ko ang banyo nila!

-Noong grade six ako, madalas akong nasa net shop nina “Niko” pero susunduin ko pa si Lani sa bahay nila para samahan ako. Lagi namin inuuto si “Niko” para libre kami pero hanggang discount lang si Lani, not me.

-Noong grade six ako, madalas ako na kina Jamie.

-Noong grade five ako, natuto akong mag-GTA Vice City. But never ko natapos ang missions doon.

-Grade six ako nang magkaroon ng Friendster account.

-Noong grade six ako, madalas akong late sa computer lessons namin kaya hindi na ako ang Best in Computer noong grade six. Ako ang dating may hawak ng titulo na iyon.

-Noong elem ako, akala ko magaling ako sa Filipino.

-Noong high school ako, I realized that my worst subject, aside from PE, was Filipino.

-Grade 2 ako nang maging member ako ng Drum and Lyre Band ng school namin.

-Grade five ako ng tumigil ako sa pagtugtog.

-Grade school pupil ako noon and I thought math was my worst subject like what most were, dahil sa cursed math window cards na iyon!

-When I reached high school, I realized I love math and English.

-Third year ako nang ma-realize ko na: I love Filipino, but the subject itself hates me. Lagi ako ang second lowest sa quizzes and tests. But I was enthusiastic sa kung ano ba ang nangyari kay Ibarra na si Simoun pala.

-Third year ako nang ma-perfect ko ang 100-item periodical test ng Math and I surpassed Pulpman (isang malaking achievement iyon ng batch namin).

-Noong grade six ako, kung saan-saang bahay ng kaklas ko ako napupunta. Madalas kina Apple and Jamie.

-Grade six ako nang mabad trip ako sa mga classmate ko.

-Grade six ako nang matutuhan ko ang shortcut sa Munisipyo ng Pateris papunta sa bahay nina Jamie.

-After grad ng elem, ayoko nang makita ang rotten classmates ko (well, some of them) noong elem. I wanted to kill them and let them rot in hell.

-Grade five ako nang masaling-pusa ako sa church choir ng San Roque Parish Church. Nag-quit ako a year after since sa Nueva Ecija na kami titira, without them knowing of course.

-April 14, 2010, 98 years after the Titanic sank, nakapag-enrol na ako sa Adamson.

-April 16, 2007, na-adik ako sa Bleach.

-Noong 4th year ako, nadapa ako sa main gate ng bahay at nagkasugat ako sa left knee. >__<

-Fourth year ako nang maadik ako sa SRC (Stallion Riding Club)… Thanks to KP. Pinabasa niya sa akin ang story ni fafa Angelo Exel Formosa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s