Enrollment (College ka na! Yay)

April 14, 2010… 98 years after the Titanic, the Unsinkable Ship, sank. Pero walang kinalaman ang paglubog ng Titanic sa entry ko ngayon. *back to the entry* Nagpunta kami ng Adamson ni Mama sa Ermita, Manila. Gising ng 5AM. Ligo. Kain. Sakay ng jeep, baba ng jeep, akyat ng hagdan para sa MRT. Sakay ng MRT. Makipagsiksikan sa kapwa mo pasahero. Baba ng MRT. Akyat sa LRT. Sakay sa LRT. Baba sa UN Avenue. Lakad, lakad, lakad. Pasok sa campus. Lakad, lakad, lakad. Punta sa accounting office. Bayad ng down payment.

Akala ko official Falcon na ako. Hindi pa pala. Akala ko walang interview meron pala. With the prof, of course.
Prof: Talaga bang gusto mong mag-CE?
Me: Opo!
Prof: baka si Mommy lang ang may gusto.
Me: *shakes head* hindi po!
Prof: Classmates mo puro lalaki. Alam mo naman ang mga lalaki, bullies.
Me: Napaghandaan ko na po iyan. (But in reality, hindi)
Prof: Okay, sige, punta ka na kay dean para sa interview.

OMG! May interview pa pala uli ako kay dean!
Dean: *tingin sa card ko* *nods* matataas naman ang grades mo.
Me: *relieved*
Dean: Alam mo ba ang mga classmates mo ay puro valedictorians? Pero wag kang papatalo sa kanila! Ako ang magiging prof mo sa 4th year mo. Wag kang tatamad-tamad, kasi mada-drop ka lang.
Me: *nods* opo, opo.
Dean: Passed. Punta na kayo sa accounting.

Yay! Isa na akong falcon! Wuu!
Alam mo ba na habang nage-enroll kami e ang folder na hawak namin e UST! Yung black folder na binibigay sa mga nage-entrance exam doon. Ang weird lang talaga kasi ung mga importanteng dokumento ko sa Adamson (schedule, etc.) pati yung katunayan na scholar ako ni Gov. e nandun. Pag nawala un, deds ako. Naligaw na ako sa Adamson, nawala pa ang limang libo ko mula kay Gov. Haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s