First Day of being a Falcon

College… I’m kinda nervous bout it. It’s a big world. Maraming klase ng human beings ang makikita ko. May pa-nerd, may pasikat, may wafu, may maganda, may mayaman, may mukhang mayaman, may alien (kagaya ko, well, alien, hindi nga pala human being ayun ano? Silly me!), at marami pang iba.

Bisperas ng first day, June 14, matutulog sana ako ng maaga, pero langya, nawalan ng kuryente!! E paano ako makakatulog niyan? Who knows? Baka katabi ko e ipis at lamok! Nang mga past 9 na, nagkaroon na ng kuryents. Ayan, tulugan na! Pero, sa kasamaang palad, tinamaan na naman ako ng insomnia ko. Tas maya-maya feeling ko nakakatulog na ako, pero may biglang nagbukas ng TV! I Witness pa ang palabas. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog. (Pagpasensyashan mo na ah. Praning lang. Okay back to the original topic.)

Nag-alarm ako ng alas-4 sa chappy (pangalan ng cellphone ko). Ayun, nag alarm, ang tone? Hapon ang salita eh. Wag mo nang intindihin! Ayun, nagising ako. Pero ni-snooze ko. Tas after five minutes, nag-alarm na naman pero natulog uli ako. Tas nang mga 4:22AM na, ginising na ako ni Tita Fe, kaya bumangon na ako. Kumain ng tinapay na ang palaman e Lady’s Choice na Roast beef na libre sa NBS sa Market! Market! Naligo na ako and I’m off to go! Mga 5:30 na ako nakaalis ng bahay, kasama si Mama kasi hindi ko pa master ang lugar. In other words, para akong kindergarten na nagpapahatid.

Ayan, first subject ko e General Chemistry I. 7:30AM. Naghahanap kami ni mama kung saan ba ang building ko. Fourth floor pa ako! Kaya tinanong namin kay mamang gurad kung saan ang building ko. Kaya ayun, hindi ako naligaw. Pagkaakyat namin, may nagtanong kay mama, lalaki, naka-civilan clothes so freshman din siya katulad ko! Let’s say cute at matangkad siya. Sayang, hindi ko siya blockmate! Same course pa naman kami!

Pagkasilip ko sa room ko, I was in awe! Puro lalaki ang natatanaw ko! Pero pagkapasok ko, may babae naman, dalawa. Malas ko, mukhang secluded pa ako ah! Tas doon na dumating si Camille, ang bago kong friend. Blockmate ko siya and pareho kaming madaldal kaya friends na kami. Nagbibilang kami ng mga classmates naming girls hanggang sa naging 10 kami. Oo, sampu lang kaming babae, and the rest were rugged guys. Walang cute, or let’s say, walang pumasa sa standards ko. Hindi ko na nakita si pencil boy (sino si pencil boy? Abangan)! Natatawa ako sa prof ko sa Pop Ed, gaya ngh sabi niya, “Be proud! You are in the number one university in NCR… in alphabetical order.” (tawanan kami, kasi Adamson ang school namin)

Lunch break na. Sabay kami ni Camille. Pumunta kami ng SM Manila na walking distance lang para sa akin. Nilakad namin iyon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman ang ruta ng SM. Andaming tao sa SM! Kaya ni-take out ko na lang ang order ko na Beef and Mushroom na P39ers. Eh sa wala akong salaping pambili eh! Haha! Tas lumabas na kami ng mall since malapit na ang next subject namin na General Chemistry Laboratory. Sa 711 kami chumibog, sa labas nga lang.

Pagkatapos kumain, dumiretso agad kami sa Adamson. Naliligaw na naman kami. Sa CS310 kami nagpunta. Oh men! Bat may tao na doon? Were we late? Pumasok kami sa loob ng kwarto, pinagtinginan kami, only to figure out na hindi pala sila ang mga blockmates namin! Nakakahiya! Maling room pala ang napasok namin! Sa kabilang building pa pala ang room namin! Sa fourth floor pa!

Naliligaw na naman kami ni Camille, hinanap namin ang building na iyon. Tas nang pagkaakyat namin, mukha kaming gusgusin sa sobrang pawis at pagod! Tas ayun, nagkaroon na naman ako ng bagong friends. Kaso puro babae. Darlene was one of them. Lab partners ko na sila ni Camille.

Maaga kaming dinismiss ni prof. So nagpunta ako ng SM Manila, solo flight. Pero sumabay ako kay Camille since iyong boarding house niya e same way sa SM. Pagkapunta ko ng SM. Grabe, mukha na naman akong gusgusin! Nagpunta muna ako ng Booksale, tas National. Pero wala akong binilhan sa dalawa. Waley akong datum! Sa National pagkapasok ko, biglang tumunog ang indicator na may nampuslit ng libro sa NBS. Bigla kong naalala, dala ko nga pala ang bagong bili at balot kong Tuesdays with Morrie. Pagkalabas ko, ganun rin, tumunog rin ang security indicator. HINDI AKO NAMPUSLIT, ANO BA?!

Masakit na ang paa ko, randam ko na may blisters na ako sa paa ko. Hindi na ako sinundo ni Mama pauwi. Ako na mag-isa. Pagkalabas ko ng SM, hinanap ko agad ang station ng LRT. Anlayo pa ng lalakarin ko! UN Ave o Central Terminal? Since natatanaw ko ang Central Terminal, ayun ang nilakad ko. (Expect na natunaw ang kinain at lipids ko.) Anlayo talaga as in! Tas, guess what? Uwian pa ng employees kaya siksikan sa LRT. Pagkababa ko sa EDSA, dumeretso ako sa MRT Station 3 sa Taft. Ayan, lakad na naman ng malayo, akyat-baba na naman. Aray! Tas since hindi ko sure kung saang gawi papunta ang Guadalupe, nagtanong ako sa ale. Tas, to make sure, nagtanong uli ako sa isang ale.

Pagkababa ko, feeling ko medyo indie na ako… sa pag-commute. Sumakay ako ng jeep and konting lakad, viola! Nasa bahay na ako. OUCH! May blisters nga ang mga paa ko!

Advertisements

2 thoughts on “First Day of being a Falcon

    • haha! kaso bitin, isang sachet lang ang binigay. na-divide pa sa dalawa kasi hiningi ng tita ko ung kalahati. haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s