Buhay College (commute tayo!)

Hay… Nakaka-miss… ang high school. Sa college, iba.. As in it really is different. Nae-alienate na naman ako. Walang kakilala. (Actually meron, mga pinsan ko. Kaso hindi pa kami nagkikita-kits sa school.) Hindi naman nila na kasalanan kung hindi nila ako kakilala eh. I mean, I’m just another student. An ORDINARY-looking one. But if you get to know me, baka magulat ka. Haha!

Since 7 ang first subject ko ngayong first sem, at sa Pateros ako galing pero sa City of Manila pa ang school ko. 4AM ang gising ko. Astig na nakakabusit. Eh pag umaga pa naman, para akong timang. (Teak, off-topic na naman itong post ko. Sige na, back to the “main” topic: Commute.)

Commute… Commute.. Commute… Minsan ayoko ng mag-commute. Kakabanas. Magdyi-jeep ako papuntang Guadalupe, sa sakayan ng MRT. Pero ibaba kami, 500 meters away sa MRT. What a pain. Pag minalas ka, hindi ka pa susuklian.

Sa MRT naman, pag first-timer ka like me, nakakalito. AS IN! Ako na lang mag-isa ang nagko-commute papuntang Adamson. Tas, umakyat ako sa second floor. Nakita ko ang malaking billboard ni Jake Cuenca. (Basta isipin mo na lang… Harhar! Sa Guadalupe un! Bench/ ang ine-endorse niya.) Tas, pumila ako, nagtataka ako kung bakit walang TAFT sa listahan! (Sa Taft Ave ako bumababa.) So nagtanong ako sa mamang nasa unahan ko.
Me: Excuse me po. Dito po ba ang sakayan ng Taft?
Lolo: Hindi ineng. Sakay ka pa ng jeep.
Me: Ganun po ba? Salamat.
Sa totoo lang, hindi ko gets ang sinabi ng lolo. Kaya para sure, sa cashier ako nagtanong.
Me: Taft po.
Cashier: Sa kabila iyon.
Kaya pala… Bat hindi ko agad nagets un? Sa kabila nga pala! Ang shunga-shunga ko! So umakyat na naman ako. tas nagbayad at nag-antay ng MRT.

Pagkababa ko sa Taft Ave, nararamdaman ko na ang sakit dulot ng paltos na inabot ko (wow! Tagalog yun!). Aray. nakakasakang, shoot! Para tuloy ako si McDo… Student version. So, tiniis ko na lang. Baka ma-late ako e. So matapos ang 30-40 mins. e naglakad na ako, pababa ng UN Ave. isang mahabang lakaran na naman ito! Tas,noong tiningnan ko ang aking mahiwagang relo na si Casoy (Casio) e 6:03AM pa lang pala. Shemay. Di bale na nga, I said to myself. Mabuti na ang maaga. Early bird ika nga. Tas ayun, lakad na naman. Tas nag-stay muna ako sandali sa St. Vincent de Paul Church para mag-pray. Araw-araw ko iyon ginagawa since sa NE e hindi ko nagagawa iyon.

Pagdating ko sa bahay. Nakita ko ang paa ko, puro sugat! (Thanks to the damn blisters. They gave me misery throughout the week!)

I don’t really know why I’m typing this. Just another “wa kwents” post! Hehe! ☺

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s