Food (the college version~)

Pagkain… masarap kumain. Sino’ng hypocrite ang ayaw ng pagkain? Malamang iyong mga die-hard magpapayat kaya me ulcer or worse, anorexia.

Noong high school ako, P25 ang isang student meal. Sa baon kong 80 (noong senior ako, hindi citizen, sapakin kita eh. Haha!) at sa kuripot kong ito, hindi ko afford ang P25 na araw-araw. Sa P40 ba naman e ipanghuhulog ko sa “pasikipan” (sariling version ko ng paluwagan, hindi kasi siya nakakaluwag sa bulsa, nakakasikip..). In other words, nagbabaon ako. Tutal masarap naman magluto si Mama at marami pa ang ulam, o ha? Nakakasave pa ako ng P20 a day. Bumibili kasi ako ng kanin eh.

Ngayong college, since hindi na ako makakapagbaon ng food with TLC ni Mama dahil nasa NE siya at inaalagaan ang mga pasaway kong mga kapatid. At dahil doon, nabawasan si Mama ng isang palamunin (ako iyon! haha!).

In fairness, nag-improve ang baon ko. Mula sa P80, ngayon P200 na! Alam ko sinasabio mo na malaki ang baon ko pero nagkakamali ka, pare. Sa pamasahe ko ba naman sa LRT, MRT at jeep na alanganing P80 balikan… Tas maraming kaek-ekan kasi pag college ka na. (Swerte mo pag HS or Elem ka pa lang. At least may ideya ka.) Me orgs, may photocopies, may pagkain, temptations, gala, and the like.

Ito na ang punto ko: PAGKAIN. Oo, masarap kumain and I am a glutton myself. But not that much. I am limiting myself to eating much because I wanna attend an event this year (2010). Sa kolehiyo (lalo na kung ikaw ay galing sa prestihiyosong paaralan, i.e. mga unibersidad o kolehiyo na kasali sa UAAP or NCAA), you can say the meal is scrumptious. I mean, REAL SCRUMPTIOUS. As in delectable. Of course if the meal’s yummy, the price is high. Ayun ang masakit! Tagos oh! Anchakit! Anchakit sa bulsa!

Dito sa Adamson (AdU), I recommend yung canteen sa OZ Building. So far, ayun ang heaven, ang sarap ng pagkain doon. Pero hell sa init pag natapat ka sa counter. Bale, iyon ang university version ng Sizzling Plate sa food courts ng SM. Noong second day (noong first day ko kasi sa SM Manila ako bumili ng pagkain, P39ers pa. Haha!), together with my blockmates, sa OZ Canteen. Pagkapasok namin, I was in awe. Andaming tao eh. (Galing kasi ako sa bundok, sorry, ngayon lang nakakita ng tao haha!) Tas ayun nga, sizzling plate ang drama ng canteen na iyon. So mainit, pag nasa harapan ka ng counter. Pumila na kami then I was looking for the cheapest food in the menu: Burger Steak P45. OUCH!

I had no choice, P45 kung P45. Sige na nga! Alangan namang maghanap pa ako sa iba, tutal hindi pa ako ganun ka-acquainted sa mga lugar roon. So ayan, wala na, naka-order na ako ng makasalanang pagkain. Ang pinakamura, the Burger Steak. Ayan, nasa counter ako, shoot, ang inet. Ina-absorb ko halos ang usok at init! >_<

Ayan, I was down to the last stage. Ibinigay na sa akin ang food. In fairness malaki compared sa nabibili ko sa Jabi at McDo. Tas may ibingay sa amin na iced tea. Buti na lang iced tea kasi pag softdrinks malamang binigay ko na un sa kung sinuman ang katabi ko that time. Buti na lang at kasama un sa binayaran kong 45. Yay!

Tas kumain na ako, huwaw! Heaven! I missed my Mom's cooking in an instant, pero mas masarap ang kay Mama, iba pa rin ang may TLC.

Kung sa tingin mo e nakakataba ang pagkain sa college, well tama ka, tol. Pero kung kasabay naman noon e pag-aaral, at pag-commute sa LRT at MRT, wala rin ang kinain mo, dude!

Sa ngayon, may natagpuan na naman kaming bagong canteen sa AdU, ang CS Canteen. Mas oks pa rin sa OZ Canteen! Ang binibili ko doon ay ang cheapest, the burger na P15, of course tas iced tea na 15 Pesos.

Advertisements

2 thoughts on “Food (the college version~)

    • haha! gusto ko na nga lang uling magbaon eh. T^T
      kaso walang magpe-prepare. remember, i had a lil secret.
      maliit rin ang burgers dito. mas gusto ko pang pagtiyagaan ang roast beef eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s