Ang Mahiwagang Litrato… Bow

May assignment kami sa Sining sa Pakikipagtalastasan, in short, Filipino. Iyon ay ang magdala ng mahiwagang 1×1 picture at index card. Binigay iyon noong Tuesday, June 29, 2010.

Dumating na ang araw na dapat e ipapasa na namin ang picture at index card. July 1, 2010. Umaga noon at syempre, like the usual, nakatsinelas ako pagpasok at nagpapalit ng sapatos sa gate. Nang nakapasok na ako, nakita ko sina Eloi at Roselle, my blockmates. Uminom ako sa “forbidden” drinking fountain kasi may sipon ako, kaya bawal. (shh! Paalala po, wag na wag pong iinom sa drinking fountains ng AdU kung nainuman na siya ni Cye. It might give you a cold virus.) Tas nakasalubong namin ang male blockmates namin together with Regine, at siya lang ang babae sa grupong iyon.
Me: (to Regine) Anu meron?
Regine: Ha? Picture sa Filipino.
Me: Shoot! Sabi na nga ba e may nakalimutan ako bukod sa tissue e!
Regine: E di sumama ka na.
Me: Iaakyat ko pa ang gamit ko. (kaliwat kanan ang hawak ko, T-square, etc.)
Regine: Wag na!

So naglakad kami papunta ng University Store sa labas ng AdU, ung papuntang SM Manila. Nagtanong ako kina Japo, my blockmate, kung saan sila magpapa-print ng picture. Sabi niya, magpapa-photocopy raw sila. I thought it was colored so I jonied. That’s WHAT I thought.

Natatawa ako nang naipa-photocopy na. Black and White. Para kaming wanted criminals. Take note: Iyong ID namin ang pina-photocopy. Filipino time na. Naipasa na namin ang index card. Inaabangan ko ang magiging reaction ni Ma’am. Haha!
Mark (seatmate ko): Mukhang nailigtas tayo ng photocopy ah.
Me: Tama! Haha! Sana tanggapin.
Teacher: O, iyong mga walang pictures, wag magpasa, sa susunod na lang. *scans the index cards one by one* O, bat photocopy ito? o, , ikaw rin? Hala, andami niyo! Para kayong mga kriminal. *tawanan buong klase*
Me: (to Mark) Patay tayo haha!
Mark: Kala ko naisave na tayo ng xerox na yan.
Teacher: *continues scanning* O, Cyrille, nakisali ka pa sa mga lalaking ito!

Grabe, nakakahiya. Hahahahaha!
Kaechosan na naman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s