coming back to the “hometown”

Four years ago, kaka-graduate ko lang sa elementary, napagdesisyunan ng aming pamilya na sa Nueva Ecija na kami mamalagi. At dahil bad trip ako sa karamihan sa mga elementary (Almira beybe, you’re excluded!) classmates ko (hindi ako nakakaganti noon, buset).

Ngayong college ako, napag-decide ng kampo namin (haha, kampo raw oh, ano ako, criminal? haha!) saa king pangunguna na sa Manila ako mag-aral. Part of it is due to my otaku needs and part of it is quality education that I am looking for. I thought sa Mapua ang bagsak ko. (Trivium: Doon ko gusto) E kaso mahal, quarterm pa, kaya sa AdU ako.

Napagdesisyunan ng council (sina mama at lola at papa) na sa mga Tita Fe ako maninirahan. Ni-propose ko na mangupahan na lang kami nina KP at Apong Tweezy but it was declined by the council head, Papa.

July 10, 2010, umuwi na kami ni Mama sa Pateros. Afeter 4 years, masasabi kong andaming nagbago. May nalalaman na sila ngayong Pateros Town Plaza na hanggang ngayon e hindi pa tapos. May billboard of events na rin sa munisipyo! Sa totoo lang piling-piling mga kaibigan mula sa elementarya na nakakaalam ng “existence” ko. They are Almira, Jessiel and Jamie. Ayaw na ayaw kong makasalubong man lang ang mga elem nightmares ko.

Napansin ko na may mga nagbago, as i mentioned earlier. Like yung Mercury Drug. Dati over-the-counter lang siya, ngayon, may grocery na! Ang taong grasa na nakabalot sa buong katawan ang several sheets of clothing, making him look like a sumo-wrestler but in fact he is as skinny as a bamboo, ay nagimprove na, may HELMET na siya. O ha? Nadaig niya pa kami! Wala kami noon! AT buhay pa siya! Haha!

Nagpunta kami ni Mama sa Pateros Elementary School, ang aking former alma mater, para bumili ng gulaman at makipag-chikahan na rin sa pld friends niya doon. Napansin ko sa daan, andun pa rin ang Buns and Burger. Antibay ha? Pero nagbago na rin ang mga establishments doon. Like meron na palang new stores doon. Nang nakikipagchikahan si Mama, nagpunta ako sa loob ng PES. Since uwian, maraming tao sa labas. Napansin ko na meron nang nalalaman ng playground roon na dati e wala. Pustahan tayo, hindi pinapalaro iyon sa mga bata. Haha! Ang dating hallway papuntang canteen, na ang sine-serve e pagkaing hindi mo makain, e natakpan na ng “playground.” Tinanong ako ng guard kung ano ang kailangan ko, tinanong ko ang guard kung nasaan na si Mang Steve, iyon kasi ang friendliest guard na kakilala ko. He’s like a father to everyone. Sabi ng guard, umuwi na. Akala ko nasibak na si Mang Steve. Hehe. Napansin ko na baging pintura ang mga gate at room. Ang sa gate e pula, iyon kasi ang kulay ng uniform roon. Hanggang sa eucalyptus tree lang ako na hindi ko alam kung nandun pa. (Trivium: kinukuhaan ko ang dahon noon, gagawin kong VICS. Haha!)

Nang lumabas ako, wala nang masyadong mga bata. Nagsisiuwian na rin ang mga guro.
Me: Mama, andiyan pa pala ang kurakot na teacher noon! *sabay turo sa teacher*
Mama: Haha! Ayan ba iyon.
Me: Si Mrs. *beep*, iyon iyong naging substitute teacher namin noon na hindi nagpapauwi hangga’t hindi bumibili sa kanya ng “tinda” niya. E nakaksuka mga tinda niya. Hindi ako bumibili. Haha! Ayaw na ayaw ko talaga sa kanya, napakagahaman noon sa datung!

Umalis na kami ng PES after noon, nagwa-wander pa rin ang mga mata ko sa paligid, as if I were a new settler.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s