HS friends.. I am missing them!

Simula fourth year kami noon, ramdam ko na na me taning na (hindi buhay, bakero!) ang mga araw na pagsasamahan naming magkakaibigan. Nakakalungkot isipin pero iyon ang totoo.

Marami akong mami-miss… Anjan iyong pag me chocolate si Karen, si Kate o si Rhoane or minsan (as in once in a blue moon) ako ng chocolate from abroad e nagkakagulo. Para bang first time naming makakita ng imported chocolates. Pag me pagkain ang isa, be a snack or Cream-O, nauubos ng humihingi. Tas anjan rina ng lines na, “Painom nga ako, KP/Trix/Kate/Sophie, nauuhaw na ako e.” at “Kate, libre mo ako ng French fries!”

Pag binabatuk-batukan ako ni Karlo, ang aming “chained-arms” twing recess, ang kwentuhan to the max ng kunga anu-ano, at ang pagtawag niya sa akin ng lande, landuchi, bruha, arte, etc (In fact, ako ang unang tumawag sa kanya ng mga katagang iyon!). Hindi ko rin makakalimutan ang kanyang “ginintuang aral” na itinuro niya sa akin. e.g. magpa-kyut sa lalaki. (sa totoo lang hindi ko kaya iyon, at hinding-hindi mangyayari iyon dahil isa akong Dalagang Filipina. Haha!)

Ang pagbabasa ng Stallion Series ay isa pa. Isa iyong component sa matatag na samahan namin nina Czacza at Thea. Paunahan kasi kaming matapos ang isang buong series noon. 53 books iyon and so far, nakaka-52 na ako. Haha! Pareho kami ni Czacza!

Ang pagbo-boy hunting nina Sophie, Kat, Jhenny at Meng na kadalasan e sumasama ako para lang sa “entertainment.” Natatawa kasi ako sa expressions nila pag nakakita ng “pogi.” (Sa school namin, wala akong natipuhan. Walang “head-turner” para sa akin.) Then there was this time, nagpasama sa akin si Kat na kunin ang number ng college student/heartthrob (raw) ng school na si Fernan! (I call him Bratz, kasi ayun sa chika, naglalaro raw iyon ng Bratz.) Talagang sinundan pa namin si Fernan para lang sa number niya! Kala ko nga ako ang kukuha ng number noon e pero hindi ko ginawa, I was just an audience.

Then iyong “away-bati” relationship nina Sophie at Kat or ni Almarie. Basta pag kaaway si Kat, one of the reasons is LALAKI, pag si Almarie, misunderstanding.
Ang kwentuhan namin nina KP, Kate, Sophie, Tweezy, Rhoane at Reina tungkol sa kung anu-ano under the sun.

Sino ba naman ang makakalimot sa fiesta. I created this quote describing us, “Habang tumatagal, lalong kumakapal (ang mukha).” Kasi kahit kaninong bahay basta kainan, game kami diyan! Haha!

Tas ang pagtambay namin ni KP sa room 105, ang room ng Faith (section one: Kate, Trixy, Rhoane) twing uwian. Tas pagkalabas nina Trixy, sasayawan ko siya ng aking inihandang “katutubong-sayaw” alay para kay “Apong Tweezy.” Tas ko-comment-an nila ako ng “Yuck!” “Tumigil kla na, maawa ka sa amin!”

Tas twing sisinga ako ng sipon o uubo (sipunin at ubuhin ako), sasabihin nila, “Cye, tinamaan ako ng baril/kanyon/bomba mo. Ouch!”
At sa aming mahabang paglalakbay tungo sa Malapit, San Isidro (sa boundary lang kami no, doon kami kadalasan naga-abang ng jeep pauwi). Na kadalasan e mga 7 na kami nakakauwi ng bahay.

Ang pag-papartner ni Karen kina KP at Trixy na ayon sa dalawa e hindi sila talo. Kinakantahan pa nga ni Karen si Trixy, “Oh, ilaw sa gabing madilim!”

Ang pags-sparring namin ni Karen twing uwian.

Then pag nasa Eastern Gasoline Station na kami nina KP at Trixy. (doon ang stop namin pareho ni KP, naiiwan kasi si Trixy mag-isa, as in siya na lang ang pasahero, kaya tina-transfer siya sa ibang jeep.) Laging phenomenal sa amin nina KP iyon, ayaw kasi ni Trixy na tina-transfer! E madilim na iyong uwi namin. Kaya ayan, lagi kaming tawa ng tawa pag nata-transfer si Trixy.

At higit sa lahat, ang pagba-bonding namin ni Kate, kung saan-saan. Lagi niya ako napapagastos, no matter how frugal I am.

Ilan lang iyan sa mga moments na nami-miss ko twing college. Maybe you are asking, “Huwat?! Intro lang iyan?” Depende, tol. Haha!

Nang mag-college ako, I was so lonely. Wala kasi akong friend sa AdU. Meron na nga akong new set of friends but there was still loneliness. I can’t show the real me around them. I can’t link arms with them. I can’t call them names. I can’t tell them “emergency! Bili mo ako ng ano.” I can’t glomp them.
In other words, I barricaded myself. Mas emo na ata ako ke KON. Haha! I once again trapped myself inside a shell.
I miss them like crazy! I call them when I got the opportunity, madalas conference. I text them too. Kaya nga lagi akong naka-Immortal e, para anytime, pede. Iba talaga ang high school friends sa college friends!
(Author’s Note:
Pagpasensyahan mo na po ang author, nage-emote lang. Haha!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s