Ozine Forum Members

Hay, base sa experience ko sa foruming, sa kahit ano, e mahirap makisama, lalo na kung wala ka talagang kakilala doon and international pa sinalihan mo, like me. Sa unang mga linggo ng pagiging active, around March yon, e patay ka, OP ka. Haha! Totoo iyon, nahirapan ako maki-join sa kanilang “family.” I think most of them are really friends in reality from the beginning like such and such. Kaya most e hindi mo gets talaga ang pinag-uusapan nila. But as time fleets, nakakaintindi na rin ako. Syempre, through “hard work” ko na-earn ang “reputation points” na nakuha ko. Dahil sa YM e nagkakausap talaga kami ng members.

As for this post, ilalagay ko ang “moments” or “description” o anuman ang nais mong itawag riyan! Basta iyon na iyon, oks?

Alyssa – Isang bagong forumer na lumitaw noong May 1… Basta iyon na iyon. She’s a 12-year old kid that time and conscious about it. Kasi nga naman puro 15 and above ang nandon! She’s an artist and won the drawing contest (sa age group niya syeperds) sa Ozine Fest! Haha! Don’t get me wrong, she acts mature! She’s a former president of their section!

Ryoma_Andres – Isa pang baguhan, pero adik… Mas adik pa sa akin. Nakaka-800 posts na siya at mataas ang reputation points niya and acts maturely pero, guess what, he’s just a year older than Alyssa. It really did surprise me! Mas mature pa siya mag-isip sa akin! Akala ko kaedad na ng veterans at editors e! Haha! Well, I’m kinda immature.

AbielPaltao – Isang “veteran” ng ozine. Dakilang adik na maitatawag. Yes, he’s an Ozine forumer, but, guess what, he doesn’t own any Ozine issues. Surprised? Kasi most members e me Ozine, mga collectors rin. He has a figma and nendroid collection na nakaka-cardiac arrest ang presyo… Ang pinakamura lang naman e PhP1.5K… Pinakamahal ata e umabot na ng 10K ata. Ang mura ano? Mapapamura ka sa mahal! Ang yaman! Hanep! Haha! Mapapanganga ka talaga sa yaman e, pero ayon sa kanya he’s in debt because of his collection. Sa Japan pa talaga galing iyon tas idedeliver sa kanya. Pero sabi niya, mahirap lang raw siya, nonetheless I don’t believe it. Magaling sa chess at math. Masarap kausap iyan, kasi nahahalingan ko ng kaabnuan ko, like the “9-yr” joke. Sabi ko sa kanya 9 years ang tanda niya sa akin, but in reality, 9 months lang. Haha!

sweet0kaye – Isa pang “veteran.” Nagkakasundo kami sa mga chikahan tungkol sa bishies. Most girls like bishonen! Pati na rin ang “pagplano” sa paparating ng Ozine Fest.. Na hindi ko madalas mapuntahan dahil sa hectic sched. She calls me “Ate Cye.”

_c0n* – (tama kaya ang pagkakatype ko ng username? haha!) Isang, well, muntik nang maging veteran. Haha! Straightforward guy, I should say. Hanep talaga. Kay galing sa Inggles! Mapapanganga ka talaga, lalo na noong isang beses sa manga section sa Ozine Forum! Basta me thread starter doon na pinrangka niya e. Grabe, it was entertainment! Ang mga gusto kong sabihin sa thread starter na hindi ko masabi e nasabi na niya! Really remarkable. What’s also making him remarkable for me was him being a notorious exorbitant user of punctuation marks. Hehe. To date, siya ang binigyan ko ng oddest nickname I could give, next is Trixy. Masayang kausap iyan, mas abnu sa akin ng isang paligo. Haha! Me mga bagay talaga na hindi ko magawa na siya lang ang gumagawa e!

xiantasuki – Isang veteran. Adik rin ito e… Parang si kaye, pero hindi “bishies” ang pinag-uusapan namin, pramis! Haha! About anime, cons, manga, cosplay and such ang pinaguusapan namin. “Ate” rin ang tawag niya sa akin like Kaye, since he’s a year younger than me. Twing me paparating na con e magiiwan ng message sa akin iyan sa Twitter.

—Well, these guys are really remarkable for me. Hope I could meet them soon!

Advertisements

2 thoughts on “Ozine Forum Members

  1. wow mehn!!!
    salamat sa compliments!haha.
    dapat sinabi mong nakakaasar at kinaiinisan si andres ryoma!!!na activista against Ecchi!!!hehe
    nakakatouch din na tama ang pagkakatype mu ng _cOn* (ameysing!!!)
    .
    .
    .
    anu yung exorbitant???
    =D

    • exorbitant means “excessive; exceeding what is proper”
      naku e hindi mo naman naikwento iyon e ung tungkol ke ryoma-kun. kung siya sa ecchi, ako sa hentai. haha!
      may mali akong nai-type, sa iyo pala ang oddest nickname na binigay ko, secong lang si trixy! haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s