Library

Ang buhay kolehiyo.. Nakakamangha, ibang-iba sa elementarya at mataas na paaralan. Lalo na ang facilities!

Since galing ako sa isang pampublikong paaralan noong ako’y isang estudyante ng elementarya, (however, before settling to this kind of school, i came from a Catholic school when I was 5. Trivium: I reiterated grade one three times!) ang facilities roon e sadyang, ugh. Lalo na ang CR. Sino ba naman ang gusto ng malasementeryong CR? Lagi na lang may “treasure” sa loob ng inidoro ng palikuran. Higit pa roon e ang mga mala-haunted house na cubicles na meron pang vandalisms.
Ang library sa paaralan ko na iyon e isang beses ko lang yata napasok, “librarian” ata kasi ang Filipino teacher namin roon noong grade five. Swerteng pinahiram kami ng libro dahil raw iyon ang aming “book report”. Ang kinuha ko e isang fairy tale book compilation. Sa totoo lang e hinid na naisauli ng mga kaklase ko ang mga hiniram nilang libro. Wala ngang librarian di ba? Kung meron man e baka, joke-joke lang iyon. Haha! Ewan ko ba kung ano meron sa akin pero, one day, isinauli ko ang librong hiniram ko. Since nakakandado ang “library”, ishinoot ko na lang siya sa bintana. Swerte ka na kung nakapasok ka ng library noong kapanahunan namin. At isa ako doon sa “maswerteng” iyon. What the hell?! Tinawag pa siyang library kung hindi rin naman papapasukin ang mga estudyante sa library! Eh ano iyon? Storage room?

Kaya laking tuwa ko noong high school ako. Due to being a private school, I expected GJC to have its best facilities. On account of being a notorious bookworm, I love libraries. Kaya laking tuwa ko uli nang malaman ko na inukupa ng HS library ang buong third floor! Saya ng HS life! Every recess, noong freshie days ko, lagi akong nandoon. Nagbabasa ng kung anu-anong encylopedia-kuno (AKA did-you-know-that-books), konting tingin sa dyaryo na ang hinahanap ko lagi e comics section ng Manila Bulletin, minsan nagkukuta sa study area para matulog/kumain. Noong mga later years, puro daldal na ang ginawa ko. Haha!

Well, ito na talaga.. Oo na, mahaba ang intro. Wag nang magreklamo, andito na rin lang tayo. Haha!
Masaya ako nang pumasok ako sa AdU lalo na dahil sa naglalakihang libraries I’ve never seen in my whole life. (Minsan makapunta nga ng National Library!) Aircon pa! Haha! Paborito ko ang third-floor branch ng LM Library. Me mga novels kasi roon! Iyong ke Sophie KInsella, Nicholas Sparks, J.K. Rowling, name ’em!
Pero ito talaga ang masakit, NABATAS AKO! Minsan kasi, nang walang magawa, ako, si Regine, James at Homer e nagpunta sa library na iyon. Since tanghali iyon e maraming tao. Napunta ang usapan naming tatlo (excluding Regine, since she did her report) sa BLEACH! E ako hindi mapigilan ang bibig ko talaga pag sinabi mo ang mahiwagang salita! At nadagdagan pa iyon nang magkwentuhan kami tungkol sa aming paboritong Hollywood movies! Sa totoo lang, those three were silent lads and lass. Adding one despicably talkative girl is BOOM! So, ayun na nga, lumapit sa amin ang student assistant ng library at sinabing, papaalisin kami pag hindi kami tumahimik.

In the end, we decided to leave. ALL BECAUSE OF ME. Jeez!

Advertisements

2 thoughts on “Library

  1. hmm nkarelate ako sau heheh pero ang nkakatuwa lang is naappreciate ko ang pagmamahal mo sa library and im happy for that.. di ako fresh grad pero im just 21 yrs old pero librarian na ako sa isang college institution tama ka sa sinabi mo wat is the purpose of the library kung wala rin nmang estudyanteng pumapasok hehehe..kaya ako kahit librarian ako alam kong msangit din ako ‘minsan’ pero i let students to enjoy their stay inside the library pero wag nilang itolerate maxado kabaitan ko hehehe…

    • hello po, ate! ako po madalas na nagkukuta sa library (actually ginawa ko nang library ang national sa sm manila.. hehe)… thanks po for reading!
      cool! librarian po kayo! mabuhay ka ate, ako ewan ko kung magiging librarian ako. pero gusto ko magkaroon ng sariling library! haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s