Why CE?

During my high school years, I was really conscious about what course to take up. I asked my friends’ suggestions…
Sabi ng isa, “Ba’t hindi ka na lang mag-fine arts?”
Sabi naman ni Sophie, “Eh, education? Tutal ikaw naman ang tutor ko sa math at English.”
Tas, narinig ko sa Geometry teacher ko na pwede raw mag-engineer ang classmate ko. And finally, I kinda considered it. Still, nagugulhan pa rin ako.

Eh, ito na nga talaga, Bakit nga ba ako nag-Civil Engineering?
Kapag…
Fine Arts: Mabababoy lang ang obra maestra ko kapag nahawakan ko na ang makasalanang oil pastel. Haha! Tinuruan na ako ni Tweezy noon eh. Pero, mas magaling pa rin siya. Haha!

Education: Naku po! Isa akong obloquy sa lahat ng teachers niyan! Maikli ang pasensya ko, madali akong ma-bad trip sa mga tamad (mag-aral, mahirap mag-motivate ng taong me malalang sakit ng katam), wala akong tiyaga, claustrophobic (sorta) ako, at higit sa lahat, SADISTA AKO!!!! Haha! Mahirap ako magpa-test, promise. Kesa magalit at isumpa ako ng mga estudyante ko e wag na lang.

Criminology: Parang masaya maging detective, but since I hate physical exams, e wag na lang. Haha! Cool pa naman ang me hawak na baril.

Medicine: Noong bata pa ako e gusto ko na talaga maging doctor. In fact sa “When I Grew Up” essays ko noong elementary e ayon ang nakalagay. Pero sa kasamaang palad, mahigit sampung taon pala ako mag-aaral noon! May pre-med, may medicine, may board exams, basta, higit sa sampung taon ang study~! Kaya, wag na lang.

Architecture:ok ito ah. Sabi ng mga kaibigan ko na nakakita na ng loob ng portfolio ko, magaling raw ako mag-drawing ekla. At since magaling raw ako umano sa math, bakit hindi raw ako mag-archi? Muntik ko na rin i-consider ito. Kaso nga lang, mahina nga ako sa designs! Ewan ko ba, minsan lang lumilitaw ang “galing” ko sa aspetong iyon. At higit sa lahat, medyo dirty ako gumawa ng drawing. Haha!

Law:I’m honest. Sabi nila, voluble or fluent (sabi lang ah, wag maniwala). Pwede raw mag-law. E kaso naman e, maraming kakabisaduhing laws! Eh kinatatamaran ko ang mangabisado. Takot akong magsalita sa harapan. Lalo na kung nakakatakot ang kadebate kong attorney. Lagi pang me taning ang buhay ko noon! Kaya, wag na lang. Gusto ko pang yumaman.

Mass Communications: Si mama ang nag-suggest nito. Bat hindi na lang raw ako mag-broadcasting? Eh gaya ng law, nakakatakot magsalita sa harapan. Baka magka-air gap, mahala ang kaltas sa sweldo pag may air gap. Tsk! At higit sa lahat, ako nga si Sunako na walang Kyohei di ba? Haha! Takot sa tao!!! Wuu!

Accounting: Marami ring math dito. Eh kaso, uupo ka lang sa isang tabi at magbibilang… Gagawa ng worksheet, at kung anu-ano pa. Ayaw ko ng ganun, haha!

And ito na talaga.. Wa kwents na naman ang nakasulat sa itaas… Bakit ako nag-civil?
Simple lang, mas maraming math dito. Me drawing, pero si arki na ang bahala sa designing and coloring, me CAD, me hard hat, at maraming LAPIS!!! Haha! Kung saan-saan ako mapupunta. Pero hindi ako gala. Haha! Maraming challenges kuno na ako lang ang nagse-set minsan.

In short, kaartehan. Haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s