UN Day 2010

Hay, malas noong UN Day or United Nations Day ng General de Jesus College. Inulan. Signal number two pa sa Nueva Ecija. Wala tuloy pasok.

Pero kahapon, nagpunta kami ni KP sa GJC para “manood” ng UN. Haha! Pero as usual, inantay ko pa uli si KP sa kanila at ambagal ng bruha! Haha!

Pagpunta namin roon. Wowness! Sa kanto pa lang papunta roon e maraming nagbago. Iyong hilera ng kainan roon eh na-elevate at na-renovate na! Bongga! Pagpasok namin, ganoon pa rin naman iyong ambiance. Pero weird pa rin. Sarap magbalik-tanaw.

Pero nagulat kami doon sa ginagawang Canteen bago kami gumraduate! Wow! It reminded me of the PNP Camp in UN Avenue, Ermita, Manila! Well, kung napunta ka na sa PNP Camp eh maiintindihan mo ako. The best (?) way to describe it is that it looks like a new-built house! (Doesn’t make sense, eh? Just use your imagination, kiddo!) Kaya, bilang dalawa sa “legendary” alumnae ng GJC, inikot namin ang bagong building, na sa huli eh canteen pa rin na sa second floor e classrooms. Pero may third and fourth floors na ilalagay pa roon! Bongga na ang GJC! Talagang kung kailan kami umalis eh tsaka pinaganda. Wahaha! 😀

Tas ito pa, may bagong “branch” ang high school library! Iyong dating homeroom ng Champaca eh naging HS Library! May nakalagay pa sa karatula:
“P20/hr”

Siyempre, para sa Internet rent iyon!

Tas bumaba na kami, doon sa gym kung saan ginaganap ang program ng UN Day.
Tinanaw agad namin si Ma’am Tiqui, ang aming guro sa Filipino noong aming ikatlo at ikaapat na taon sa mataas na paaralan. Siya kasi ang ka-close naming dalawa ni KP.
Me: Bulaga!
KP: Ma’am!!!!!!!!!!!
Ma’am Tiqui: Ui!!! *looks at KP* Kumusta na? Ang payat mo ah!
KP: Tumaba nga po ako eh!
MT: Ang payat mo nga!
Me: Ako po Ma’am, hindi niyo kukumustahin?
MT & KP: Hahahahahaha!
Me: Ma’am! Alam niyo po ba hindi ko binabagsak ang Filipino!!! (Trivium: Bagsak ako madalas sa Filipino noong HS days)
MT: Talaga? Eh di kahusay!
KP: Ako rin po!
MT: Ano ba mga kurso niyo?
KP: Accounting po!
Me: CE po!
KP: Mahal na mahal po namin si Ma’am Cruz! Haha! Puro math po kami! (Si Ma’am Cruz ang teacher namin sa math noong 4th year.)

Tas nakita rin namin si Ma’am Erese, Ma’am Cheung, Ma’am Bolagao, at Sir Sugay! Happy! Puro tawa na lang ang ginawa namin nung araw na iyon.

Tas ito pa: Nilibre kami ni Reina ng Silvanas, at ang mahal niya para sa isang cookie na may mala-ice cream sa loob. Iyong laki niya eh parang mas malaki ng onti sa Oreo. Pero mas malapad ung Oreo roon. Ang price niya? PhP30.00!!! Hanep! Matagal na pala ibinenta yong silvanas na iyon! Noong last year pa pala. Ni hindi namin nalaman haha! Kung hindi dahil kay Weendy na kapatid ni Reina, hindi siguro kami nailibre noon!

Take note kung magkano lang ang dala kong pera: PhP36! Haha! Pamasahe ko lang iyon!

At marami rin kaming nakitang alumna ng GJC, anjan iyong Faith last year at iyong Faith last, last year. (IV-Honesty kami, 2nd section. 1st section ang Faith.) Lima lang kaming Honesty na nandoon, ako, si KP, si Reina, si Karlo at si Romar.

At diyan nagtatapos ang Pagdiriwang ng Araw ng mga Nagkakaisang Bayan ng Kolehiyo ng Heneral de Jesus.

Advertisements

2 thoughts on “UN Day 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s