Writing Stories

I’m actually an amateur writer. “Yeah, right.” I thought you’d say that. In fact, I’ve written lots of stories! Most of them are of fantasy genre. Iyong mga pambata. Pero hindi fairy tales. I’ve never written anything of that genre! Sa katunayan e may libro akong ginawa, compilation ng mga istoryang ginawa ko. Ginawa ko siya noong elementary days ko. Gawa siya sa lumang notebook tas ni-bind ko sa kahong ginupit. Ewan ko na kung na saan siya ngayon. Nawala na ata nung lumipat kami. Tsk!

Naaalala ko pa nga ang unang nakasulat doon. “Journey to the Dreamland” ata yung pamagat, basta may Dreamland. Tungkol iyon sa magkakapatid na nanaginip at napunta sa Dreamland. Tas sa huli nagising! Haha! Ewan, hindi ko na naalala iyong ibang details. Siguro pag nakita ko iyon, ie-expect ko na ang erroneous grammar ko roon. English kasi iyon at bata pa ako noon. Hehe. (Palusot ka pa!)

Tas bumalik ako sa writing noong high school ako, first year… Karamihan hindi ko pa natatapos. Hehe. Kaya sabi ni Kate, sulat raw ako ng sulat, hindi ko naman natatapos. Pero siya naman, basa ng basa. Haha! Meron pa nga ako, naigawan ko pa ng komiks!

Tas natigil uli yun. Pero noong third year, thanks to my inspiration, nakagawa ako ng one-shot manga. pamagat, “third Year Parody” makikita dito yan, isearch mo na lang. tinatamad ako eh. Haha!

Tas noong fourth year, thanks to Mikka, in-encourage niya ako na gawing story na lang ang naiisip kong story sa kanya isang gabi. Tas ayun, on the spot talaga iyon. Kaya ayun, gumagawa pa rin ako nun. Haha!

May writing habits ako, gaya ni Bob Ong (sa Stainless Longganisa, hanapin mo.) at iba pang sikat na writers gaya ni Hemingway. Gusto ko pag nagsusulat ako, lapis ang gamit ko. Ayaw na ayaw kong i-pen ang draft ko. Isinusulat ko siya sa isang maliit na Cattleya notebook na 80 leaves na binili sa National Bookstore (only). Nagsusulat ako kaharap ang isang mechanical sharpener. Tas what comes to mind, iyon na iyon. Hanggang sa makatapos ng isang chapter, usually umaabot ng roughly 8 pages ng Cattleya iyon.

Sa ngayon, tinatapos ko pa ang first novel ko. Pag nasa mood ako, ipo-post ko dito iyon. Sabi nila, ipagpatuloy ko raw iyon at sa ngayon, pinagaagawan nila (apat lang naman sila hehe) ang notebook ko. Haha!

Syempre, para sa 4th novel ko (huwahanep! Hindi pa tapos ang first, second and third, may fourth na?!), magi-interview ako ng mga panganay at bunso. Pwede ito ah. Clash of the firsties and babies! Haha!

Advertisements

4 thoughts on “Writing Stories

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s