Enrollment (1st yr-2nd sem)

Enrollment.. I never thought this would be that lethargic.

First thing in the morning (about 4:30AM) I had to do my “usual” morning rituals: eat, drink coffee, bathe, wear clothes, and walk more than one-fourth of a kilometer.
Mula sa Nueva Ecija, nag-travel kami to Manila for three hours. Napansin ko, mula Arayat palang eh marami nang nag-aabang ng bus papuntang Manila. Kaya ayun, siksikan sa bus.
Mga 8 na kami nakarating doon sa Monumento, Caloocan. Sabi ko sa Mama ko, mag-jeep na lang kami kasi siksikan sa LRT. Pero sabi ng mama ko, matagal raw roon dahil trapik. Thus we ended up riding on LRT.

Eto na nga ba ang kinatatkutan ko eh. RUSH HOUR! Isa iyan sa mga dapat MONG iwasan. It’s lethal I’m telling ya. Kaya para maiwasan iyan eh kailangan mong sumakay ng maaga, as in! Iyong mga alas sais pa lang eh nasa loob ng tren ka na.
This ride was as bad as I’d experience during rush hour rides on MRT.
As we waited, MARAMI ng tao, kahit doon sa female area na supposed to be konti lang. Pero ewan ko ba kaung bakit pero doon kami sa may halong mga lalaki nasakay. Bad trip.
Pagkapasok namin, feeling mo parang nasa kalagitnaan ka ng stampede. Tulak dito, tulak roon, tulak sa kabilang tren. Grabe, walang patawad, kahit uugod-ugod ka na or buntis ka. Tsk. Filipino nga naman, oo. (Pero ako rin ganun, takot ma-late.)
Para kaming pinagsama-samang palito ng posporo sa kaha. Mula Monumento Station, ganon na ang sitwasyon namin. Langya, sa UN Avenue pa kami! About 11 stations (not accurate, hehe) away pa kami! Ang pwesto ko ngayon eh sa dulo ng tren, hindi iyong nasa tabi ng tsuper. Basta somewhere roon. Sa harap ko, may mama (as in iyong grown-up man) na nakaupo. Sa tabi ko e me woman about her forties. Since siksikan talaga as in at tulakan to the max, napapakapit ako sa ale at iniiwasan mabagsak sa mama sa harapan ko. Di bale ng mabagsak ako sa ale wag lang run sa mama! Tsk! Iyong puri ko ano? (Guys might not know this “puri” thing. But for girls, it is really important!) Bawat istasyon na mahintuan namin eh me pilit na nagpapasukang mga tao. At kada me pumapasok eh nagi-incline ako ng about 5-10 degrees papunta sa lalaking nasa harap ko. Aish. Daig ko pa ang Leaning Tower of Pisa sa Italy. Mahigpit rin ang kapit ko sa post katabi ng pinto. Ansakit na ng purlicue ko.
After several miserable minutes, nakarating rin kami sa UN Avenue. It’s like I was freed from a can of sardines. At least hindi ako amoy sardinas. Haha!

Pagkapasok ko ng walkway ng AdU, napansin ko, puro sila nakaPANTALON!!! Eh ako po’y naka-shorts lamang. (Bat ako naka-shorts? Mainit eh. Haha! Mahirap pang labhan ang pantalon. Mahihirapan Mama ko.) Sa kabutihan palad, nakalusot ako sa guard. Nang mga oras ring iyon eh nagaganap ang entrance exams… reminds me of the days and of pencil boy. (FYI, si pencil boy eh iyong lalaking katabi ko nung entrance exams na soooobrang makakalimutin, nanghiram siya ng lapis sa akin. Nakalimutan niya rina ang TESTING PERMIT niya! Kung ano pa ang pinakamahalaga! Pero sinauli niya sa akin ang lapis ko na hiniram ko pa kay Karlo na kaibigan ko pero hindi ko isinauli sa kanya. Ang gulo ano? Haha!)

Pagpunta ko ng OZ 203, tapat ng Civil Engineering Department. Nandun ang ilan sa mga classmate ko. Kukuhain ko sana ang semestral grades ko. At doon nakasalalay kung magiging scholar ako o hindi.
Classmate 1: Ba’t naka-shorts ka? (Her face was surprised. Bawal kasi ang shorts sa campus. Ayun ang nakalimutan ko!)
Me: Mainit eh.
Classmate 2: Bayaran mo muna iyong tuition. Kami na bahala sa pagkuha ng grades mo.
Me:(tinanggal ang ID at binigay sa isa pang classmate) Salamat!

Sa ground floor ng CS Building kung saan naka-locate ang Finance Department at ang Registrar’s Office, maraming tao, as in. Pero since mautak ang nanay ko, sa Admissions kami nagbayad. Doon mabilis, aircon pa.
Tas dumeretso na ako sa OZ 203. After one hour (tagal ano? Pero iyong mga blockmate ko? 7AM pa lang, nag-aantay na sila.) nakuha ko na ang grades ko! Nikakabahan aku! Paano kasi, iyong scholarship na sagot sa aming kaginhawaan. (PhP 15,000 lang naman ang kaltas pag 50%. PhP30k pag full. Pero siyempre, depende sa course mo.) Pagkatingin ko sa grades ko, YAHOO!!! Pede na akong maging 50% scholar! (Matindi talaga ang pangangailangan namin sa datung. Haha!)

Sunod e iyong pag-enroll naman sa block section. Syempre Block 101 uli ano? Humingi kami ng booklet or checklist sa officers ng dept namin. Sabi nila wala so dumiretso na lang kami sa dept namin. Doon sa head ng dept namin (hindi sa dean), hiningan kami ng sinasabing booklet. Mahalaga raw iyon kasi raw doon na iyong permanent record ng grades namin. Patay.
Noong sinabi namin ang sitwasyon. Pina-rush agad naman ni Head ang pagpapa-print ng booklet na yon sa President namin. Kawawa si Pressy (President). Mahahalata mo sa kanya na natataranta at napapahiya na siya. Tsk. Kahit iyong Head Prof namin eh natataranta na rin. Antagal namin siguro roon bago kami in-enroll sa block namin. Haha!

Sunod e ang pagkuha ng Assessment Form o iyong schedule namin. Punta uli kami sa Ground Flr ng CS Building, na maraming tao. Ayos, medyo kakaunti iyong tao roon sa pinilahan namin. Pagdating sa amin, sabi ng Student Assistant (SA) na waley pa raw iyong assessment namin. HIndi pa raw nae-encode. Putik! GUTOM NA KAMI!!!
Pagkatapos kumain, balik uli kami sa pagpila sa Window 1 ng Grd Flr, CS Building. Noong ako na, may sumingit na lalaki. Muntik na nga magkaroon ng away roon dahil doon eh. Pero wapakels ako ng mga oras na iyon talaga. Bahala na.
Sa kabutihang palad, nakuha ko na ang pogi kong assessment form.

Isang apply na lang, uuwi na kami!
Dumeretso kami sa OSAS or Office of Student Affairs for Scholarship. Sa kabilang building pa. I didn’t wanna miss the chance, really. Pagdating namin doon, sabi ng karatula sa pinto: PROCEED TO YOUR WINDOW COURSE.
Kaya ayun, bumalik kami sa CS. Pila na naman. Tch! Tas humingi ang SA ng checklist. Patay. Pero sinabi ko ang nangyari kaya pinalipat ako sa kabilang window kaya pila uli. Shoot.
Sabi ng SA sa kabilang window na iyon, pagkatingin niya ng pogi kong final grades, “Classmate, may 2.25 ka. Sorry. Dapat flat 2 ang lowest mo.”
OH NOOO!!! Grabe, na-drain ang energy ko dahil roon. Promise!
My hopes shattered in an instant. Sinumpa ko na naman ang Filipino at Theology pansamantala.

Lesson: Wag magpa-petiks-petiks, MAG-ARAL kahit sabihin pa nilang UNCOOL or “aral ka ng aral ah. Sipag!” ng mga kaklase mo!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s