Second Sem, First Day (freshie days)

Ayun, simula na naman ng bagong semestre. Tapos na ang isang buwang sem break. Kainis. Bitin.
Sa totoo lang ayaw ko pang pumasok nun, parang ngayon. (winter break na patapos na) Ewan ko ba, hindi ako ganun ka-excited pumasok. Siguro kasi iiwanan ko na uli ang dapat iwanan… TV, books, manga. Higit sa lahat eh mawawala na uli ako sa comfort zone.
The day before the semester opened, Mum left me in the dorm… ALONE. Wala pa si KP kasi the next, next day pa siya.
The next morning, pasukan na. Maaga ako gumising para unahan ang mga kapwa ko tenants sa boarding house (actually, boarding house talaga siya, since mas maikling sabihin ang dorm, e dorm na lang. It’s a lame excuse i know.) Then, off to go!
Same building, same floor. Nagpunta na ako sa CS 406. Okay, as expected, maaga ako nakarating, together with early birds. May kaunting hindi kakilala, siguro dalawa sila and the rest were my classmates last sem. Syempre kumustahan portion.
Out of 40 students, 14 lang ang nakapag-enroll sa block CE101. Out of 10 biological girls(I need to say biological. Pardon me.), only 4 made it.

Tas dumating na ang mga guro… Okay naman ang mga prof ko. Kaso ung isa kong prof, nagbabalik. Ung subject pa namang iyon eh ang pinakamababa ko. Ang isa sa mga subjects na masinsinan kong nire-review ngunit patapon ang grado nung hayskul: Filipino. Haha!

Tas ang pinakaayaw ko sa unang araw ng pasukan e nangyari na naman. Iyon e ang CLASS INTRODUCTION. For goodness sake, college na kami! Hindi elementary! Sa English namin unang ginawa iyon. Ayon sa aming propesor, nararapat lamang na extemporaneous (not impromptu, kasi she gave us the details of what to say) ang aming sasabihin. Tas ayun, me dapat pa raw sabihin na “motto.” (Reminds me of Wowowee)
Me, panicked, for I couldn’t think of one though I had bunch of those in my notebook. My friend gave me one. He saved me! Haha! I actually screwed introducing myself. It’s evident, they laughed! What did I say? Some punks! Noong time naman ng Filipino, ang prof namin e sabi sa aming block e kami raw ang “survivors” sa kanyang subject which is true. Maraming bagsak dun sa Filipino! Lucky me I didn’t fail!

At doon nagtatapos ang first day ng second sem ko sa paaralan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s